Pilipinas isinailalim sa blacklist ng China bilang tourist destination
Isinailalim ng gobyerno ng China ang Pilipinas sa kanilang blacklist bilang tourist destination dahil sa patuloy na pagkakasa ng operasyon laban sa offshore gaming.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kinumpirma ito sa kaniya ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Si Huang ay nag-courtesy call sa Senado noong Lunes (Oct. 10).
Ayon kay Zubiri, ginawa ng Chinese government ang hakbang dahil sa pangambang ang kanilang mga mamamayan na nagpupunta sa Pilipinas ay maaaring masangkot sa ilegal na aktibidad ng mga sindikatong nagpapatakbo ng POGO.
Sinabi umano ni Huang na nangangamba ang pamahalaan ng China na baka mabiktima ng kidnapping o mapagkamalan na POGO operators ang mga Chinese tourists.
Ayon kaky Zubiri, bago magkaroon ng pandemya ng COVID-19 pinakamalaking bilang ng mga turista sa bansa ay pawang Chinese. (DDC)