Nairerehistrong lumang-lumang mga sasakyan, iimbestigahan ng LTO

Nairerehistrong lumang-lumang mga sasakyan, iimbestigahan ng LTO

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Land Transportation Office (LTO) kung paanong naipaparehistro pa rin ang mga sasakyan na kakarag-karag na o maituturing nang hindi ligtas na bumiyahe sa lansangan.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, batid na nila ang sitwasyon at nakatitiyak ang publiko na uungkatin nito ang usapin at mapapanagot ang mga nasasangkot.

“We will not tolerate this kind of illegal activity and I assure the public that heads will roll,” ayon sa LTO Chief.

Sa video na nag-viral sa social media, ipinakita ng content creator na si “Gadget Addict” na may isang trak na kakarag-karag na at delikado ng gamitin ang nakapagparehistro pa ngayong taon.

Maliban dito, ipinakita rin sa video ang ilang pampasaherong jeep na naglagay ng ilegal na terminal sa bangketa at nagbubuga ng maitim na usok bukod pa sa kulang ang mga ilaw.

“Aside from our efforts to improve our services to the motoring public, the LTO is also relentless in its transformation journey to rid the Agency of scalawags and other misfits. We are doing our best to transform the LTO to become not only efficient but also corruption-free,” ayon pa kay Assistant Guadiz.

Nagpasalamat naman si Guadiz sa publiko lalo na sa mga netizen sa pagiging mapagmatyag at pagtulong sa LTO na matugunan ang mga problema. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *