Abogado, doktor, nurse, dentista at beterinaryo kabilang sa mga bagong nanumpang Coast Guard personnel
Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, ang oath-taking ceremony ng mahigit 300 na bagong Coast Guard personnel na may ranggong “probationary ensign”.
Ang grupong ay binubuo ng mga abugado, doktor, nurse, dentista, beterinaryo, mga nagsipagtapos sa PMMA at MAAP, gayundin mga bachelor’s degree holders mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa.
Mayroon ding mga PCG enlisted personnel na nabigyan ng pagkakataon na maging commissioned officer.
Sasabak sila sa pagsasanay para maihanda ang kanilang sarili sa mga responsibilidad tungo sa pagtupad ng mga mandato ng PCG, tulad ng pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad sa malawak na katubigan ng bansa, pagpapatupad ng mga maritime laws, pagsasagawa ng maritime search and rescue, at pangangalaga sa yamang dagat ng Pilipinas. (DDC)