LPA sa bahagi ng Aurora naging ganap na bagyo; Signal No. 1 itinaas sa 6 na lugar sa Luzon
Nabuo bilang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Aurora.
Ang bagyo na pinangalanang “Maymay” ay huling namataan sa layong 300 kilometers East ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Southwest sa bilis na 10 kilometers bawat oras.
Dahil sa bagyong Maymay, itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Aurora
– Nueva Ecija
– extreme northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Pollilo Islands
Ayon sa PAGASA, ngayong araw hanggang bukas, makararanas na ng moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa Cagayan, Isabela, at Apayao.
Light to moderate at kun minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes, Ilocos Norte, Aurora, at Kalinga.
Sa forecast ng PAGASA, posibleng tumama ang bagyo sa kalupaan ng Aurora o sa northern portion ng Quezon bukas ng tanghali o gabi. (DDC)