Hepe ng PNP Custodial Center inalis muna sa puwesto kasunod ng hostage taking incident

Hepe ng PNP Custodial Center inalis muna sa puwesto kasunod ng hostage taking incident

Inalis muna pansamantala sa puwesto ang hepe ng Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) matapos ang nangyaring hostage taking incident noong Linggo.

Ayon kay PNP chief, Police General Rodolfo Azurin Jr., ang pag-alis kay Lt. Col. Patric Ramillano sa puwesto ay bahagi ng standard operating procedure ng PNP habang gumugulong ang imbestigasyon sa nangyari.

Automatic aniya itong ginagawa kapag mayroong administrative investigation.

Magugunitang tatlong preso ang nagtangkang tumakas at ang isa sa kanila na kinilalang si Feliciano Sulayao Jr. ay ginawa pang hostage si dating Senador Leila De Lima.

Ang pulis na si P/Col. Mark Pespes na nakapatay kay Sulayao ay ginawaran ng parangal sa isinagawang seremonya sa Camp Crame Lunes (Oct. 10) ng umaga.

Sinabi ni Azurin na si De Lima ay pansamantalang inilipat muna sa PNP General Hospital. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *