Mahigit 100 pasahero ng sumadsad na barko sa Camiguin nailikas ng Coast Guard

Mahigit 100 pasahero ng sumadsad na barko sa Camiguin nailikas ng Coast Guard

Mabilis na inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 103 pasahero ng Super Shuttle Ferry 21 na sumadsad sa katubigan ng Benoni Port, Camiguin.

Ayon sa kapitan ng barko na si Ian Sumaylo, habang nagmamaneobra mula sa Benoni Port papuntang Balingoan Port sa Misamis Oriental, napansin ng Chief Mate na nakapatay pala ang kanilang “steering power.”

Naging mahirap ang pagmamaneobra kaya sumadsad ang kanilang barko.

Agad na nag-deploy ng PCG rescue team para mailikas ang mga pasahero.

Sa isinagawang inspeksyon, nakumpirma na ligtas ang barko sa anumang sira at wala ring naganap na oil spill.

Maliban sa 103 pasahero, may dala ring 17 kargamento ang naturang barko.

Inilipat ang mga pasahero at kargamento sa Super Shuttle Ferry 28 na bumiyahe papunta sa kanilang destinasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *