SIM Card Registration Act batas na matapos lagdaan ni Pangulong Marcos

SIM Card Registration Act batas na matapos lagdaan ni Pangulong Marcos

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bilang ganap na batas ang SIM Card Registration Act.

Layunin ng batas na magkaroon ng accountability sa paggamit ng SIM cards at upang masawata din ang mga panloloko sa SMS.

Sa ilalim bg SIM Card Registration Act, lahat ng public telecommunications entities (PTE) o direct sellers ay inaatasan na hingan ang SIM card user ng valid identification document na may photo.

Lahat ng impormasyon na ibibigay ng user sa pagpaparehistro ng SIM card ay confidential.

Ang mga PTEs, agents o employees ay naaarubg napatawan ng P500,000 hanggang P4 million kung magkakaroon ng breach of confidentiality.

Habang ang mga tatanggi na iparehistro ang kanilang SIM nang walang balidong rason ay maaaring mapatawan ng multa na P100,000 hanggang P1 million.

Inaatasan lamang ang mga telco na i-disclose ang full name at address na isinaad sa SIM card registration kapag may inilabas na subpoena o o court order.

Maaari ding humingi ng impormasyon ang mga Law enforcement agencies kapag nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa isinagawang krimen gamit ang cellphone at SIM cards.

Dumalo sa isinagawang ceremonial signing sa Ceremonial Hall ng MalacaƱang si House Speaker martin Romualdez, iba pang mga mambabatas at mga opisyal mula sa Presidential Legislative Liaison Office. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *