Mahigit P529M halaga ng Cancer Assistance Fund magagamit na ayon sa DBM
Nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P529.2 million na halaga ng Cancer Assistance Fund.
Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pondo ay magagamit ng mga cancer patients sa mga DOH hospital access sites at iba pang health facilities sa bansa sa kanilang pagpapagamot.
Inilabas na ng DBM at ng Department of Health (DOH) ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2022 – 0002 na nagtatakda ng Implementing Guidelines sa paggamit ng Cancer Assistance Fund o CAF.
Sa ilalim ng circular nakasaad na sakop ng pondo ang mga outpatient at inpatient cancer control services, kabilang na ang diagnostics, therapeutic procedures, at iba pang cancer medicines.
Available ang pondo hanggang December 31, 2023. (DDC)