Dating Sen. Leila de Lima posibleng makapagpalipat ng detention center matapos hostage incident sa Camp Crame
May pagkakataon si dating Senator Leila de Lima na makapagpalipat ng detention center kasunod ng insidente ng hostage taking sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP).
Sa kaniyang post sa Facebook sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kakausapin niya si De Lima para alamin ang kalagayan nito matapos ang insidente.
Nais ng pangulo na malaman ang kondisyon ng dating senador.
Maliban dito sinabi ni Marcos na tatanungin din niya si De Lima kung nais ba nitong mailipat siya sa ibang dentention center.
“Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” ayon kay Marcos. (DDC)