Riders ng Joyride at Angkas sasailalim sa Basic Emergency Responders Course
Nagsimula na ngayong araw (Oct. 9) ang pagsasanay ng mga rider ng Joyride at Angkaspara sila ay mahasa bulang emergency responders.
Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Basic Emergency Responders Course ng Joyride and Angkas emergency responders.
Resulta ito ng pakikipagtulungan ng MMDA sa dalawang motorcycle taxi hailing services.
Ito ay upang ang kanilang riders ay makatulong sa pagtugon sa mga sitwasyon na nangangailangan ng emergency response tulad ng mga traffic accident. (DDC)