3 preso nagtangkang tumakas sa PNP Custodial Center; ginawang hostage si dating Senador Leila De Lima

3 preso nagtangkang tumakas sa PNP Custodial Center; ginawang hostage si dating Senador Leila De Lima

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroong tatlong preso ang nagtangkang tumakas mula sa Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City at ginawang hostage si dating Senador Leila De Lima.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, nangyari ang insidente 6:30 ng umaga kanina habang nagrarasyon ng pagkain sa mga nakakulong sa Custodial Center.

Pinagsasaksak umano ng tatlong preso ang isang pulis na nagbibigay ng pagkain at nang rumesponde ang iba pang pulis ay hinostage nila si De Lima.

Ayon kay Azurin, sa oras ng pagrarasyon ng pagkain ay pinapayagan ang mga preso ng mag-init ng kanilang pagkain sa labas ng selda.

Mabilis namang nailigtas si De Lima at maayos ang kalagayan nito ayon sa PNP chief.

Gayunman, sasailalim pa rin ito sa medical check-up upang masigurong wala siyang tinamong sugat.

Ang tatlong nagtangkang tumakas na preso ay napatay ng mga rumespondeng pulis.

Ang pulis na nagtamo ng saksak sa katawan ay ginagamot sa ospital.

Iimbestigahan ani Azurin kung paanong nakagawa ng improvised knife ang tatlong preso.

Naghigpit na ng seguridad sa palibot ng Camp Crame matapos ang insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *