TINGNAN: IP students na bahagi ng Nursing to Medicine Program ng UP Tarlac binisita ng DOH

TINGNAN: IP students na bahagi ng Nursing to Medicine Program ng UP Tarlac binisita ng DOH

Binisita ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Secretary Maria Rosario Singh-Vergeire ang mga IP students na bahagi ng Nursing to Medicine program sa Sitio Camachile, Floridablanca, Pampanga.

Ang mga estudyante na kabilang sa IP community ay pawang scholars ng University of the Philippines-Manila School of Health Sciences Tarlac Campus.

Sila ay kasalukuyang nasa first year schooling.

Ayon kay Vergeire, nakatutuwang may mga mag-aaral mula sa IP communities ang nagnanais na mapabilang sa health sector.
Nagpasalamat si Vergeire sa inisyatibo ng UP Tarlac para sa pagsusulong ng Nursing to Medicine program.

“Nagpapasalamat kami sa UP Tarlac sa inisyatibong ito, sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan natin ng mga nurse at doktor sa IP communities. Lalo rin kaming nagpapasalamat sa ating mga estudyante sa pagpili na manilbihan sa kanilang komunidad,” ani Vergeire. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *