LTFRB chair Cheloy Garafil nagbitiw sa puwesto; magsisilbi bilang OIC Press Secretary
Nagbitiw sa puwesto si Atty. Chelow Garafil bilang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay Garafil isinumite niya ang kaniyang resignation ngayong araw ng Biyernes (Oct. 7).
Kasabay nito sinabi ni Garafil na tinanggap niya ang alok na maging undersecretary at officer-in-charge sa Office of the Press Secretary.
Isa itong karangalan ayon kay Garafil at nagpapasalamat siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa oportunidad na ibinigay sa kaniya para manilbihan sa taumbayan. (DDC)