Bilang ng mga walang trabahong Pinoy tumaas sa 2.68 million – PSA
Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong buwan ng Agosto kumpara sa datos noong buwan ng Abril.
Sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 2.68 million na unemployed individuals noong Agosto.
Mas mataas ito kumpara sa 2.60 million jobless Filipinos noong Hulyo.
Ang datos ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa kumakatawan sa 5.3 percent na unemployment rate.
Mas mataas kumpara sa 5.2 percent unemployment rate noong Hulyo.
Ayon sa PSA, noong buwan ng Agosto ay mayroong 47.87 million na employed persons na bahagya namang mas mataas sa 47.39 million na employed persons noong buwan ng Hulyo. (DDC)