Halaga ng naipamahaging medical assistance ng PCSO noong nakaraang buwan umabot sa P163M
Umabot sa mahigit P163 million ang halaga ng naipamahaging medical assistance ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong nakaraang buwan.
Ang tulong ay sa ilalim ng Medical Access Program (MAP) ng PCSO.
Sa datos mula sa PCSO, simula Sept. 1 hanggang 30, 2022 ay umabot sa kabuuang P163,039,424 ang kabuuang halaga ng naipamahaging tulong medikal.
Umabot sa 23,039 na mga mamamayan na nangangailangan ng medical assistance ang nabigyan ng tulong-pinansyal.
Ang mga ito ay mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, Northern at Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol Region, Visayas at sa Mindanao.
Ayon sa PCSO, patuloy ang poamamahagi ng tulong medikal ng ahensya mula Lunes hanggang Biyernes 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. (DDC)