Coast Guard personnel top student sa Gunner’s Mate course sa US

Coast Guard personnel top student sa Gunner’s Mate course sa US

Nanguna ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Gunner’s Mate “A” School Class 03-2022 sa U.S. Coast Guard (USCG) Training Center sa Yorktown, Virginia, U.S.A.

Ang kurso ay nagsimula noong Hulyo at natapos noong Setyembre.

Ayon sa PCG, nakakuha si CG Petty Officer Third Class (PO3) Jean Paul Tolin ng course final grade na 97.1%.

Nanguna si Tolin sa 16 na USCG students at 3 iba pang international students mula sa PCG at Lebanese Navy.

Sa three-month long course ay binibigyan ang mga estudyante ng kaalaman at kasanayan sa pag-operate at pag-mentena ng small arms at ordnances.

Sinanay din sila sa administrative and logistical processes kaugnay sa requisition, reporting, at storage ng mga armas.

Si Tolin ay tubong Dumaguete at nakatalaga sa Coast Guard Fleet sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301).

Nagtapos din sa kaparehong kurso sina CG PO3 Mark Decleto at CG Seaman First Class (SN1) Dwayne Vinarao na kapwa kabilang sa Coast Guard Fleet sa National Headquarters Support Group.

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *