Pangulong Marcos nangakong poprotektahan ang karapatan ng mga mamamahayag
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan at poprotektahan ang karapatan ng mga mamamahayag sa bansa.
Tiniyak ito ni Marcos sa kaniyang speech sa Manila Overseas Press Club.
Ani Marcos, kinikilala niya ang mahalagang papel ng media sa pag-develop ng bansa.
Mahalaga aniya ang partisipasyon ng mga mamamahayag upang mapanatiling well informed ang mga mamamayan.
Sinabi rin ni Marcos na handa ang pamahalaan na makinig sa mga hinaing ng mga media.
Kasabay nito ay umapela ang pangulo sa mga mamamahayag na epektibong iparating sa publiko ang mga hakbang ng gobyerno para sa patuloy na pag-unlad ng bansa. (DDC)
\