Paaralan sa Quezon na sinira ng Super Typhoon Karding nakumpuni na sa tulong Red Cross

Paaralan sa Quezon na sinira ng Super Typhoon Karding nakumpuni na sa tulong Red Cross

Naiayos na ang bubungan ng isang paaralan sa lalawigan ng Quezon na nasira dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Nabakbak ang bubungan ng Burdeos National High School sa bayan ng BUrdeos, Quezon dahil sa lakas ng bagyong Karding.

Sa tulong ng mga yero na ipinagkaloob ng Philippine Red Cross (PRC) ay agad naayos ang bubungan ng paaralan.

Sinabi ni Red Cross chairman Richard Gordon, kailangang agad makumpuni ang paaralan upang hindi maapektuhan ng matagal ang klase ng mga mag-aaral.

“We don’t want students to miss out on their classes and in partnership with our partner national societies, we make it possible. CGI Sheets and plain sheets ang dumating sa isla by Monday, from our Subic warehouse ‘yan. Ang ating mga CGI Sheets, matibay, makapal, at siguradong tatagal. We are happy to help the people in need and the Philippine Red Cross is moving swiftly to make sure the most vulnerable return to normal after the typhoon,” ayon kay Gordon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *