Ilang mga bansa nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidente ng pamamaslang sa mamamahayag sa Pilipinas

Ilang mga bansa nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidente ng pamamaslang sa mamamahayag sa Pilipinas

Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga bansa kaugnay sa panibagong insidente ng pamamaslang sa mamahayag na naganap sa Pilipinas.

Nagpalabas ng pahayag ang Canadian at Dutch embassies hinggil sa nangyaring pananambang sa brodkaster na si Percy Lapid o Percival Mabasa sa totoong buhay.

Sa joint statement ng dalawang embahada, ikinabahala nito ang pagkakaroon ng “chilling effect” ng pagpatay sa mga journalist.

Ito ay ang posibilidad na masupil ang abilidad ng mga mamamahayag na makapag-uulat ng malaya at ligtas.

Sinabi naman ni German Ambassador to Manila Anke Reiffenstuel na ang bansang Germany ay patuloy sa commitment nitong isulong ang kalayaan sa pamamahayag.

Nanawagan din itong maihatid ang hustisya at mapanagot ang nasa likod ng pagpatay kay Lapid.

Hinikayat din ng British Embassy in Manila ang mga otoridad sa Pilipinas na tiyakin ang pagkakaroon ng safe environment para sa mga mamamahayag. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *