199 na dating mga rebelde sa CARAGA nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

199 na dating mga rebelde sa CARAGA nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Nasa 199 na dating mga rebelde mula sa CARAGA region ang nakatanggap ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) Assistance na ipinagkaloob ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos silang magbalik-loob sa gobyerno at isuko ang iba’t ibang uri ng baril.

Sa ginanap na seremonya sa Datu Lipus Makapandong Cultural Center, Gov. D.O Plaza Government Center sa Prosperidad, Agusan del Sur, snabi ni DILG Secretary Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na sinisiguro ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pangangalagaan ang mga surrenderees at mabibigyan sila ng kaukulang tulong.

“Kailangang iparamdam namin na hindi kayo nagkamali sa pagsuko at pagbabalik-loob sa gobyerno. Kailangang maramdaman ng bawat isa na tayo ay nasa iisang bansa,” ani Abalos.

Pinayuhan din nito ang mga datng rebelde na protektahan ang kanilang buhay at iprayoridad o unahin ang kapakanan ng kanilang pamilya at komunidad.

Nabatid sa kabuuang bilang ng mga sumuko,169 rito ay mula sa Agusan del Sur, apat sa Agusan del Norte, 24 sa Surigao del Norte, at dalawa naman buhat sa Butuan City,na nakatanggap ng livelihood assistance at ammunitions remuneration ang bawat isa.

Ayon pa kay Abalos na titignanng pamahalaan ang ibang proyekto na pakikinabangan ng mga surrenderees gaya ng such livelihood, education, at agriculture.

“Tapos na ang mga araw na iniisip ninyo kung anong mangyayari bukas – may pagkain ba, may makakalaban ba. Tapos na ang tinik dahil tayo ay sama-sama na,” pahayag pa ng opisyal.

Ang ECLIP ay isang programa na naglalayobv tulungan ang mga rebeldeng kasapi ng Communist Party of the Philppines-New People’s Army-National Democratic Front at Militia ng Bayan upang manumbalik ang kanilang katapatan sa gobyerno ng Pilipinas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *