Mga kukuha ng 2022 Bar Exams, pinasasailalim sa quarantine simula Oct. 26; bar ops mahigpit na ipagbabawal

Mga kukuha ng 2022 Bar Exams, pinasasailalim sa quarantine simula Oct. 26; bar ops mahigpit na ipagbabawal

Nagpalabas ang Korte Suprema ng COVID-19 protocol para sa idaraos na 2022 Bar Examinations.

Ayon sa Korte Suprema, ang COVID-19 protocol ay iiral para sa lahat ng local testing centers o mga lugar na pagdarausan ng bar exams.

Ayon sa guidelines, ang mga kukuha ng pagsusulit ay mahigpit na hinihikayat na sumailalim sa dalawang linggong self-quarantine o simula sa Oct. 26, 2022.

Hinikayat din silang limitahan ang non-essential movement.

Mahigpit ding ipagbabawal ang pagsasagawa ng Bar Operations, o pagtitipon ng mga indibidwal para magpakita ng suporta sa mga kukuha ng pagsusulit.

Sa araw ng pagsusulit, ang mga fully vaccinated na examinees ay kailangan lamang magpakita ng kanilang vaccination card.

Kung hindi naman bakunado, kailangan silang magpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test o antigen test.

Mandatory din ang pagsusuot ng face masks sa oras ng pagsusulit at maaari lamang itong alisin kapag kakain o iinom. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *