6.9 percent inflation rate naitala noong Setyembre

6.9 percent inflation rate naitala noong Setyembre

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 6.9 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 6.3 percent lamang noong Agosto.

Higit din itong mas mataas kung ikukumpara noong Sept. 2021 kung saan nakapagtala lamang ng 4.2 percent na inflation rate.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang dahilan ng mabilis na antas ng inflation noong Setyembre ay ang mas mataas na presyo ng pagkain, housing, water, electricity, gas at iba pang produktong petrolyo.

Sa presyo ng pagkain, kabilang sa malaki ang itinaas ay ang presyo ng isda at iba pang seafood, at presyo ng asukal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *