Naitalang kaso ng tigdas sa bansa tumaas ng 153 percent
Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng tigdas sa bans angayong taon kumpara noong 2021.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), simula noong Jan. 1 hanggang Sept. 17, 2022 ay nakapagtala na ng 450 cases ng tigdas.
Mas mataas ito ng 153 percent kumpara sa 178 cases lamang na naitala sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga naitalang kaso ay mula sa sumusunod na rehiyon:
Region IV-A – 70 cases
Region VII – 61 cases
NCR – 47 cases
Nakapagtala din ang DOH ng clustering ng kaso ng tigdas sa Brgy. Caranglaan, Dagupan City at sa Brgy. Balangasan, Pagadian City. (DDC)