Eastern Samar dalawang beses niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Eastern Samar dalawang beses niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Nakapagtala ng magkasunod na magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Eastern Samar.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.4 na lindol sa Homonhon Island sa bayan ng Guiuan, 2:16 ng madaling araw ngayong Miyerkules (Oct. 5).

13 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity II sa General MacArthur, Eastern Samar.

Ang ikalawang pagyanig ay naitala naman sa bayan ng Maslog 4:20 ng madaling araw.

Magnitude 4.4 din ang naitalang lindol at may lalim na 16 kilometers.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity III – Maslog and Arteche, Eastern Samar
Intensity II – Oras, Eastern Samar

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *