6,000 empleyado ng DILG tatanggap ng booster shots kontra COVID-19

6,000 empleyado ng DILG tatanggap ng booster shots kontra COVID-19

Nakiisa ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa PinasLakas campaign ng pamahalaan na layong mapabilis ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots.

Ayon kay DILG Sec. Benjamin Abalos Jr., sinimulan na ang Bakunahang Bayan PinasLakas Special Vaccination Day sa Central at Regional Offices ng ahensya.

Target nitong mabigyan ng booster shots kontra COVID-19 ang 6,140 na mga empleyado.

Sinabi ni Abalos, hindi na kailangang lumayo pa ng kanilang mga empleyado para makapagpabakuna dahil sa mismong mga tanggapan isasagawa ang vaccination.

Ang Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Days na programa ng Department of Health (DOH) ay layong mailapit sa mga tao ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Isinasagawa ang bakunahan sa mga workplace, transportation terminals, drugstores at iba pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *