Gov. Roel Degamo naiproklama na ng Comelec bilang tunay na nanalong gobernador sa Negros Oriental
Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) si Roel Degamo bilang lehitimong nanalong gobernador sa Negros Oriental sa natapos na 2022 elections.
Ibinigay ng Comelec Central Office ang Certificate of Canvass and Proclamation kay Degamo bilang siyang tunay na nagwagi sa lalawigan.
Ayon sa Comelec, nakakuha si Degamo ng kabuuang 331,726 votes laban kay Gov. Henry Pryde Teves na nakakuha ng 301,319 votes.
Si Teves ay unang idineklara ng Comelec Provincial Board of Canvasses noong Mayo bilang nanalong gobernador sa lalawigan.
Gayunman, naghain ng protesta si Degamo para ipadeklara na nuisance candidate ang isang Grego Degamo na kumandidato ring gobernador.
Sa Provincial Board of Canvass ng Comelec Negros Oriental, nakakuha si Teves ng 301,319 votes habang si Degamo ay nakakuha 277,462 votes.
Ang idineklarang nuisance candidate na si Grego Degamo ay nakakuha naman ng 49,039.
Sa naging pasya ng Comelec en banc, kinatigan nito ang petisyon ni Roel Degamo.
Dahil dito, ang mga botong nakuha ni Grego Degamo ay ibinlang para sa kay Roel Degamo. (DDC)