Halaga ng pinsala ng bagyong Karding sa pananim umakyat na sa P3.12B

Halaga ng pinsala ng bagyong Karding sa pananim umakyat na sa P3.12B

Umabot na sa P3.12 billion ang halaga ng pinsala sa pananim na naidulot ng Super Typhoon Karding.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nakapagtala ng pinsala sa mga pananim sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas.

Ayon sa DA, umabot sa 108,594 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at tinatayang 158,117 metric tons (MT) ng pananim ang nasira sa 170,762 na ektarya ng agricultural areas.

Kabilang sa napinsalang pananim ay palay, mais, high value crops, abaca at may mga nasira ding livestock, poultry at fisheries.

May mga nasira ding irrigation facilities at farm structures. Partikular na napinsala ang mga solar panel, rotary ventilator, spandrel, roofings, roll up doors at iba pa.

Pinakamalaking halaga ng pinsala ay sa mga pananim na bigas na umabot sa P1.61 billion ang halaga.

Ayon sa DA, ang kanilang Regional Offices ay patuloy sa pagsasagawa ng assessment sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Inihahanda na din ang P185.69 million na halaga ng rice seeds, P23.16 million na halaga ng corn seeds at P13.55 million na halaga ng assorted vegetable seeds para maipamahagi sa mga naapektuhang magsasaka. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *