Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 175 kilometers southeast ng Balut Island, 5:02 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 3.
May lalim na 23 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)