Biyahe ni Pangulong Marcos sa Singapore, naging produktibo ayon sa Malakanyang
Matapos ulanin ng batikos ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix ay sinabi ng Malakanyang na naging makabuluhan ang nasabing biyahe ng pangulo.
Sa pahayag na inilabas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes (Oct. 3) ng umaga, kinumpirma na nitong nagtungo nga sa Singapore si Pangulong Marcos nitong weekend.
Sinabi ni Angeles na naging produktibo ang pagdalaw sa Singapore ng pangulo.
Ibinihagi din ni Angeles ang post ni Singaporean politician Tan See Leng, kung saan sinabi nitong nakausap niya ang ilang foreign dignitaries kabilang si Marcos.
Sinabi ni Angeles na kabilang sa napag-usapan ang patuloy na paghikayat sa mga investors na pumasok sa Pilipinas. (DDC)