Konstruksyon ng Shaw at Ortigas stations ng Metro Manila Subway sisimulan na

Konstruksyon ng Shaw at Ortigas stations ng Metro Manila Subway sisimulan na

Magsasagawa na ng groundbreaking ceremony para sa Shaw Blvd. at Ortigas Stations para sa itinatayong Metro Manila Subway.

Hudyat ito para sa pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway, ang kauna-unahang underground rail system sa bansa.

Si Pangulong Ferdinald Marcos Jr. ang panauhing pandangal sa isasagawang groundbreaking ceremony.

Sa inilabas na abiso ng Pasig City Local Government Unit (LGU) dahil sa idaraos na seremonya ay isasara muna sa mga motorista ang sumusunod na kalsada:

-Meralco Avenue (North Bound)
-Flyover ng Meralco Avenue – Northbound
– at Service Road ng Meralco Avenue – Northbound

Simula na din ngayong araw ang pormal na pagsasara ng Meralco Avenue mula sa Estancia hanggang Shaw Blvd para sa pagsisimula ng pagtatayo sa Shaw station

Ang pagsasara sa nasabing kalsada ay tatagay hanggang sa taong 2028.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, tinatayang aabot sa mahigit 519,000 na pasahero ang makikinabang sa subway araw-araw sa sandaling maging operational na ito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *