Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ngayong araw
Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies at ITCZ.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ang eastern sections ng Luzon at Visayas ay apektado ng easterlies habang Intertropical Covergence Zone naman ang umiiral sa Mindanao.
Dahil dito, ang Bicol Region, Isabela, Aurora at Quezon ay makararanas nayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng easterlies.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA 7:46 ng umaga ngayong Lunes (Oct. 3), nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite, at Batangas.
Habang heavy to intense rain showers naman ang nararanasan sa bahagi ng Bulacan, bahagi ng Quezon, bahagi ng Laguna at sa buong lalawigan ng Rizal. (DDC)