DOLE naglaan ng P455M para sa emergency employment program sa mga lugar na nasalanta ng Karding

DOLE naglaan ng P455M para sa emergency employment program sa mga lugar na nasalanta ng Karding

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P455 million na pondo para sa emergency employment program nito sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.

Ang programa ay ipatutupad ng DOLE sa Central Luzon at Calabarzon.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, ang mga informal sector sa dalawang rehiyon ay bibigyan ng pansamantalang trabaho.

Umaabot sa sampung araw ang ibinibigay na trabaho kung saan tutulong sila sa paglilinis, declogging ng mga kanal, debris segregation, materials recovery, at iba pang aktibidad na kailangan para sa rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar.

Tiniyak ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma ang patuloy na pagsuporta ng DOLE sa mga manggagawang naapektuhan ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *