Pagkakapanalo ng 433 na mananaya sa Grand Lotto paiimbestigahan sa senado
Duda si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel sa naging resulta ng draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Grand Lotto kung saan 433 na mananaya ang nanalo.
Kataka-taka ang resulta ayon kay Pimentel dahil ang tsansa para manalo sa lotto ay napakaliit, kaya kaduda-dudang 433 ang tumama sa winning number combination.
Sa isang panayam, sinabi ni Pimentel na maghahain siya ng resolusyon sa senado para paimbestigahan ang gaming activities ng PCSO kabilang na ang lotto para matiyak ang integridad ng mga ito at maprotektahan ang milyun-milyong mananayang Pinoy.
Panahon na ayon sa senado na mabusisi ang buong sistema ng lotto games.
Hihingin din ng senador ang opinyon ng mga statisticians at mathematicians hinggil sa resulta ng PCSO draws. (DDC)