Malaysian POGO employee at 33 iba pang dayuhan nasagip sa Muntinlupa City

Malaysian POGO employee at 33 iba pang dayuhan nasagip sa Muntinlupa City

Nasagip sa joint rescue operation na inilunsad ng Malaysian Royal Police (Police Attaché’), Southern Police District (SPD) District Special Operations Unit (DSOU), District Intelligence Division (DID), District Mobile Force Battalion (DMFB), at Muntinlupa City Police Station ang Malaysian national na si Soh Teck Koung, at 33 na iba pang dayuhan na nagtatrabaho sa POGO company sa Dexin 999 Buidling, Montillano St., Brgy. Alabang sa nasabing lungsod, kamakailan.

Inaresto naman ng otoridad sa operasyon ang suspek na si Qian Jing, 35, isang Chinese national na sinasabing employer ng mga biktima.

Ayon sa report, ang biktimang si Soh Teck Koung,35, ay empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators at hindi ibinibigay ang kanyang suweldo ng employer nito at hindi pinapayagang lumabas ng gusali.

Batay pa sa ulat paulit-ulit umanong pinagbantaan ng suspek ang biktima kung magsusumbong sa otoridad.

Dahil dito,tinawagan ng biktima ang kanyang ina sa Malaysia at ipinaalam ang sitwasyon at kalagayan nito na siyang nagpabatid agad sa Malaysian authorities na nakipagkoordinasyon naman sa operating units.

Sa isinagawang beripikasyon natuklasan ng otoridad na ang kumpanya ay walang maiprisintang Business Permit mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Muntinlupa City.

Nahaharap ang suspek sa reklamong Serious Illegal Detention. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *