Pagpunta ni Marcos sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix, tinawag na iresponsable ng grupong “Bayan”
Tinawag na iresponsable at insensitive ng grupong Bayan ang weekend getaway ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, nasa gitna ang bansa ng economic crisis at may pagkakautang na P13 trillion.
Milyun-milyong pinoy din ang naapektuhan ng Tyohoon Karding.
Tanong ni Reyes, magkano kaya ang ginastos mula sa buwis ng taumbayan sa pagsakay ni Marcos sa private jet para manood ng F1 Grand Prix.
Sinabi ni Reyes na ang jet-setting lifestyle ni Marcos ay hindi naayaon naaayon sa Office of the President. (DDC)