Operators ng accredited towing services pinulong ng MMDA
Nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga operator ng towing services na accredited ng ahensya ngayong Huwebes, Setyembre 29.
Sa pangunguna ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III,sinabi niyang layunin ng nasabing pagpupulong na matugunan at maresolba ang mga isyu patungkol sa overpriced na singil ng ilang towing services, pagbiyahe ng mga dilapidated tow trucks, at ang proseso ng pagbibigay ng accreditation.
Pinaalalahanan ni Chairman Dimayuga ang mga accredited towing operators na ipatupad ang “tulong muna bago hatak”.
Dumalo rin sa pagpupulong sina MMDA Acting General Manager Engr. Baltazar Melgar, MMDA Traffic Engineering Center Director Neomie Recio, at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Vic Nuñez. (Bhelle Gamboa)