27,016 na tradisyunal na jeep nakabibiyahe na sa 302 na ruta sa Metro Manila ayon sa LTFRB
Nagbukas pa ng 44 na karagdagang ruta ng Traditional Public Utility Jeepney (PUJ) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Katumbas ito ng karagdagang 4,820 na PUJ units na pinayagan nang makabiyahe sa Metro Manila.
Dahil dito, umabot na sa 27,016 ang kabuuang bilang ng mga tradisyunal na jeep ang bumibiyahe sa 302 na ruta sa Metro Manila simula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ).
Bukod pa dito ang 845 na modern PUJs na pinapayagan na ring makabiyahe sa 48 mga ruta sa NCR.
Mayroon namang 387 na pampasaherong bus ang bumibiyahe sa 34 na mga ruta at 387 na P2P buses ang bumibiyahe sa 34 ding mga ruta.
Narito ang bilang ng mga ruta at PUV na bumibiyahe sa Metro Manila simula June 1, 2020:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
No. of routes opened: 302
No. of authorized units: 27,016
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
No. of routes opened: 48
No. of authorized units: 845
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
No. of routes: 34
No. of authorized units: 4,016
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
No. of routes opened: 34
No. of authorized units: 387
5. UV EXPRESS
No. of routes opened: 76
No. of authorized units: 3,263
6. TAXI
No. of authorized units: 20,927
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
No. of authorized units: 24,356
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
No. of routes opened: 12
No. of authorized units: 286
9. MODERN UV Express
No. of routes opened: 2
No. of authorized units: 40
Tinitiyak ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga ruta para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng pandemya.