Rolling Police Outpost bagong proyekto ng S.A.F.E. NCRPO

Rolling Police Outpost bagong proyekto ng S.A.F.E. NCRPO

Upang siguruhin ang maayos na pagresponde at pag-asiste ng otoridad ng 24/7 sa Metro Manila partikular sa terminals, transportation hubs, pampubliko o matataong lugar para mapigilan ang maaaring mangyayaring krimen at mapanatili ang kaayusan, inilunsad ni Brigadier General Jonnel Estomo, Acting Regional Director National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mobile police outpost na ipapakalat sa buong rehiyon bilang bagong S.A.F.E. NCRPO project.

Ang mobile police outpost ay isang rolling station para sa mga magpapatrulya o patrollers bilang kanilang standby point na madaling malalapitan ng mga tao para sa anumang kailangang assistance mula sa PNP.

Ito ay isang tapat at malakas na service brand S.A.F.E. NCRPO ni BGen Estomo na dapat laging nakikita at nararamdaman ang presensiya ng mga pulis.

Pinangunahan nina NCRPO Spokesperson LtCol Dexter Versola at NCRPO PIO Chief, Maj Anthony Alising ang pagpapakita sa media ang isang prototype mobile outpost sa harapan ng pinakamalaking exchange terminal sa bansa ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Brgy Tambo, Parañaque City.

Ang outpost na may literal na gulong o “wheels” ay mamanduhan ng mga pulis na handang mag-asiste sa publiko sa mga panahon ng emergencies at palawigin pa ang paghahatid ng ligtas na pagseserbisyo.

Dinisenyo ang outpost na nagagalaw para madaling ilipat sa ibang mga lugar na mas nangangailang ng presensiya ng pulis tulad ng espesyal na okasyon ,sa mga sementeryo sa paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa at Pista ng mga Patay.

Inanunsyo rin ni BGen Estomo na asahan ng publiko na magkakaroon ng mas marami pang katulad na proyekto sa Metro Manila. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *