Petsa ng oral arguments sa mga petisyon laban sa NCAP mas pinaaga ng SC

Petsa ng oral arguments sa mga petisyon laban sa NCAP mas pinaaga ng SC

Mas mapapaaga ang pagsasagawa ng oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon na na kumukwestyon sa pagpapatupad ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).

Sa inilabas na abiso mg Supreme Court Public Information Office, isasagawa na sa December 6, 2022 ang oral arguments sa NCAP petitions.

Ito ay mula sa naunang schedule na January 24, 2023.

Nagtakda naman ang Supreme Court ng preliminary conference sa kaso na gaganapin sa November 4 sa alas 2:00 ng hapon.

Inatasan din ng Korte Suprema na bigyan ng kopya ng mga petisyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kaugnay nito ay pinagsusumite ng SC ng komento ang MMDA sa mga petisyon laban sa NCAP sa loob ng 10 araw matapos na matanggap ang kopya ng abiso.

Una nang ipinag-utos ng SC ang pansamantalang pagpapatigil ng implementasyon ng polisiya sa limang lungsod sa Metro Manila.

Kabilang sa mga naghain ng petisyon ang mga transport groups na KAPIT, PASANG MASDA, ALTODAP, at ACTO.

Gayundin ang abogadong si Juman Paa na nagmulta ng P20,000 dahil sa NCAP.

Iginiit ng petitioners na walang legal na batayan at labag sa Saligang Batas ang implementasyon ng NCAP kaya ito dapat ipawalang-bisa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *