UP magpapatupad na ng 100% face-to-face classes sa undergraduate courses simula sa second sem
Magpapatupad na ng 100 percent face-to-face classes ang University of the Philippines (UP) sa kanilang undergraduate courses.
Ayon sa pahayag ng unibersidad, simula sa second sem ng kasalukuyang Academic Year 2022-2023 ay ipatutupad na ang 100 percent face-to-face classes.
Sa ngayon ayon sa UP ay umiiral na ang 100 percent face-to-face classes sa kanilang laboratory, studio, at practicum courses.
Ang UP Manila naman ay nagsimula na ng 100 percent face-to-face classes sa kanilang mga kurso sa public health disciplines noon pang July 2021.
Ang detalye hinggil sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa lahat ng kurso at learning delivery mode sa graduate programs ay isinasapinal na ng unibersidad. (DDC)