Examinees binalaan sa mga hindi beripikadyong impormasyon na ipinakakalat tungkol sa idaraos na Bar Examinations
Inabisuhan ng Korte Suprema ang mga kukuha ng bar exams ngayong taon na tanging sa mga official channel lamang ng Supreme Court tumutok para sa mga beripikadong impormasyon.
Ito ay kaugnay sa mga pahayag at abiso hinggil sa isasagawang 2022 Bar Examinations.
Ayon sa SC, ang mga impormasyon ay isinasapubliko sa official website na https://sc.judiciary.gov.ph/ at sa mga opisyal na social media accounts na https://twitter.com/SCPh_PIO, https://www.facebook.com/SupremeCourtPhilippines at https://www.instagram.com/supremecourtph
Binalaan ang mga examinees sa pakikinig, paniniwala o pagpapakalat ng mga sabi-sabi tungkol sa 2022 Bar Exams na maaaring magdulot ng pagka-alarma at distraction sa paghahanda sa nalalapit na pagsusulit.
Sa mga susunod na linggo, pinapayuhan ang mga examinees na palagiang i-monitor ang kanilang PLUS accounts at Bar PLUS-registered email addresses para sa mga mahahalagang anunsyo. (DDC)