Bagyong Luis lumakas pa; lalabas ng bansa ngayong araw
Lumakas pa ang Tropical Storm Luis habang papalapit sa northern limit ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,090 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-norte sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Luis, ngayong umaga.
Magtutungo naman ito sa Ryukyu Islands at posibleng lumakas pa bilang severe tropical storm. (DDC)