24 na babaeng dayuhan nasagip sa ‘sex den’ sa Parañaque

24 na babaeng dayuhan nasagip sa ‘sex den’ sa Parañaque

Nailigtas ng mga otoridad ang 24 na babaeng dayuhan na hinihinalang biktima ng human trafficking habang dalawang Chinese ang inaresto sa isinagawang pagsalakay sa umano’y sex den sa isang gusali sa Parañaque City.

Nasagip ang 10 babaeng Chinese nationals at 14 Vietnamese nationals sa tatlong kuwarto sa isang gusali sa Barangay Tambo sa nasabing lungsod.

Dalawang lalaking Chinese nationals na pinaniniwalaang maintainer sa lugar ang inaresto na kinilalang sina Du, Wei, 36, at Fang Zeng, 28 na kapwa sasampahan ng paglabag sa Anti Trafficking in Persons Act of 2003.

Nag-ugat ang operasyon mula sa natanggap na report ng Parañaque City Police na may isang grupo ng babaeng dayuhan ang pinaniniwalaang mga biktima ng human trafficking ang namataan sa lugar.

Agad nagtungo doon ang intel operatives para magsagawa ng beripikasyon dahilan upang ikasa nila ang rescue operation kasama ang mga tauhan ng Tambo Police Sub Station, Station Intelligence Section, WCPD, Parañaque City Police at kinatawan ng DSWD na nagresulta ng pagkakaligtas sa mga dayuhang biktima.

“I am pleased to announce the successful rescue operation conducted by the PNP and our Barangay counterparts. I have also instructed our probers to investigate deeper into circumstances surrounding the incident to build strong case against the persons involved in the crime,” pahayag ni Southern Police District Acting District Director, Col. Kirby John Brion Kraft.

Samantala kinumpirma naman ni National Capital Region Police Office Acting Regional Director, Brigadier General Jonnel Estomo na ang 24 rescued foreign nationals ay nasa pangangalaga ng DSWD at sasailalim ang mga ito sa debriefing at counselling.

“The rescue of these female foreigners is attributed to the concern of the community in reporting to authorities regarding suspicious illegal activities,individuals or groups within their neighborhood,” ani BGen Estomo.

Pinuri rin ni ARD Estomo ang maagap na pag-aksyon ng mga pulis sa naturang report.

“We assure the public that we will never tolerate any illegal activity in our region whoever the perpetrator may be,” ayon pa sa NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *