3 biktima ng human trafficking na dadalhin sana sa Sabah, nailigtas ng Coast Guard

3 biktima ng human trafficking na dadalhin sana sa Sabah, nailigtas ng Coast Guard

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong hinihinalang biktima ng human trafficking in persons na lulan ng isang pampasaherong barko mula sa Zamboanga del Sur patungong Tawi-Tawi.

Ang tatlong biktima ay kinabibilangan ng isang 44-anyos na babae; isang 37-taong-gulang na lalake at isang 9-na taong gulang na lalake.

AyoSa panayam ng PCG sa tatlong biktima, sinabi nilang inutusan sila ng mga hindi nakilalang indibidwal na magtungo sa Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng ‘backdoor’.

Ayon sa PCG, ang mga biktima ay nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Tawi-Tawi na magsasagawa na ng imbestigaayon sa insidente.

Isasalang din sa stress debriefing ang tatlo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *