LPA sa extreme Northern Luzon naging bagyo na; pinangalanang Luis ng PAGASA

LPA sa extreme Northern Luzon naging bagyo na; pinangalanang Luis ng PAGASA

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa extreme Northern Luzon.

Ang bagyo na pinangalanang Luis ang pang-labingdalawang bagyo sa bansa ngayong taon.

Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA ang bagyong Luis ay huling namataan sa layong 1,100 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

aglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Ayon sa PAGASA hindi inaasahan na magkakaroon ng direktang epekto sa bansa ang bagyong Luis.

Inaasahan ding agad lalabas ng bansa ang bayo bukas ng umaga o tanghali.

Sa susunod na 24 na oras, ang Southwest Monsoon at ang isang Low Pressure Area na nasa silangan naman ng Mindanao ay magdudulot ng pag-ulan sa western section ng Southern Luzon, Eastern at Western Visayas, at sa eastern section ng Mindanao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *