Air Force choppers naghatid ng relief supplies sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyo
Naghatid ng relief supplies ang helicopters ng Philippine Air Force (PAF) sa mga lugar sa Quezon na nagtamo ng matinding pinsala dahil sa bagyong Karding.
Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo, tagapagsalita ng Air Force, ang S-70i Black Hawk helicopters ng PAF ay nakapaghatid na ng 2,982 lbs ng relief packs sa Polilio Islands.
Ang mga relief packs ay naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at damit.
Ang Bell-205 helicopter naman at isa pang S-70i helicopter ay nakapaghatid na ng 9,696 lbs ng relief goods sa General Nakar.
Ginamit naman ng Air Force ang Huey II helicopter nito para makapagsagawa ng rapid damage assessment and need analysis (RDANA) sa San Luis, Aurora.
Ayon kay Castillo magpapatuloy ang relief operations ng PAG sa mga residenteng nasalanta ng bagyo. (DDC)