SIM Card Registration Act inaprubahan na ng Senado
Aprubado na sa third and final reading ng Senado ang Senate Bill 1310 SIM Card Registration Act.
Lahat ng 20 senador ay bumoto upang maipasa ang nasabing panukala.
Nagpasalamat naman si Senator Grace Poe, chairperson ng Committee on Public Services sa suporta ng mga kapwa niya senador.
Layon ng nasabing panukalang batas na masawata ang mga panloloko at krimen gamit ang mobile phones.
Sa sandaling maisabatas, ang mga cellphone users ay hihingan na ng valid government-issued ID kapag bibili at magpaparehistro ng kanilang SIM card.
Ang mga telco at kanilang authorized SIM card sellers ay maaaring mapatawan ng P5,000 hanggang P1 million na multa kapag hindi sumunod sa itinatakda ng batas.
Magkakaroon pa ng bicameral conference ang senado at kamara bago isumite ang panukala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang lagda. (DDC)