P19.6M na halaga ng cocaine nakumpiska sa isang dayuhan sa NAIA

P19.6M na halaga ng cocaine nakumpiska sa isang dayuhan sa NAIA

Inaresto ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang American national matapos na mahulihan ng kilo-kilong cocaine sa kaniyang bagahe.

Kinilala ang dayuhan na si Stephen Joseph Szuhar na dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs’ (BOC)- NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA-IATG.

Ang dayuhan ay dumating sa NAIA mula Qatar lulan ng Qatar Airways flight QR 932.

Isinailalim sa pagsusuri ng K9, x-ray at 100% physical examination ang kaniyang bagahe at doon natuklasan na may laman itong 3.7 kilos ng cocaine na tinatayang aabot sa P19,610,000 ang halaga.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drug Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *