Malaking bahagi ng bansa makararanas ng pag-ulan dahil sa LPA at Habagat – PAGASA

Malaking bahagi ng bansa makararanas ng pag-ulan dahil sa LPA at Habagat – PAGASA

Uulalin ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa ayong 1,240 kilometers east ng extreme Northern Luzon.

Ang habagat ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Occidental Mindoro at Palawan.

Maulap na papawirin din namay kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Eastern Visayas at Caraga dahil sa trough ng LPA.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang mararanasan na may isolated na pag-ulan dahil sa habagat at localized thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *