Mga motorista inabisuhan sa mararanasang traffic dahil sa idinadaos na ADB Annual Meeting

Mga motorista inabisuhan sa mararanasang traffic dahil sa idinadaos na ADB Annual Meeting

Maaring makaranas ng pagsisikip sa dalip daloy ng traffic sa EDSA at sa ilang bahagi ng Ortigas dahil sa idinadaos na 55th Asian Development Bank Annual Meeting.

Sa abiso ng mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maaaring maranasan ang occasional traffic distruptions dahil sa aktibidad na tatagal hanggang sa Sept. 30.

Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang mga biyahe sa Ortigas area sa Mandaluyong City.

Maaaring maranasan ang traffic disruption sa kahabaan ng EDSA (mula Magallanes hanggang Ortigas), Julia Vargas, ADB Avenue, San Miguel Avenue, Guadix Drive, Bank Drive, at Saint Francis Street sa tuwing dumadaan ang convoy ng mga delegado.

Nakadeploy na ang 500 MMDA personnel kasama ng Philippine National Police, Mandaluyong, at Pasig local government units, at ng security forces ng Ortigas Center para mag-asiste at magmando ng trapiko sa mga ADB dedicated-routes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *